Ang pagkakaroon ng wika ay nagbibigay daan sa
pagkakaisa ng mga mamamayan at nagbibigay tulong sa pag-unlad ng iba’t ibang
aspeto sa isang bansa. Ang sariling wika ay mahalaga at kinakailangan ng isang
bansa, sapagkat ito ang ginagamit sa pakikipag-ugnayan at pakikipagtalastasan
ng bawat mamamayan. Gamit ang sariling wika, maipapahayag natin ang ating
damdamin at saloobin sa ibang tao.Ito rin ang isang dahilan kung bakit may
kapayapaan at pagkakaisa sa isang bansa. Ito ay kayamanan ng isang bansa, hindi
ito matutumbasan ng ginto o salapi. Hindi rin ito mananakaw dahil ito ay
sariling atin, ang dapat lang natin gawin ay mahalin at pahalagahan ito.
Sa
panahon ng makabagong teknolohiya, ang ating wikang Filipino ay napapagitnaan
ng napakaraming wika mula sa ibang bansa, at minsa’y ang ibang wika ang
pinapahalagahan kaysa sa ating sariling wika. Sa mundo ng teknolohiya, ang mga
websites tulad ng Facebook, Twitter at Google ay maaari mo
nang magamit sa wikang Filipino, kaya huwag nang mag-alala kung hindi
makaintindi ng mga banyagang salita, gamitin na ang sariling wika. At sa
paglalahad ng mga opinyon, balita, at mga nangyari sa iyong buhay,
pwedeng-pwede mong gamitin ang wikang Filipino.
Sa panahon
ng makabagong teknolohiya kung saan mga iba’t-ibang lengwahe ang nangingibabaw,
huwag mag-alinlangan, at ipaglaban ang nakasanayang wika – ang Filipino. Kaya
nating maipagmalaki ang ating sariling wika – saan man, kailan man, at sa
napakaraming paraan. Gamitin natin ang wikang pambansa, maging ilaw man at
lakas sa tuwid na landas, o susi sa pagka-Pilipino.
MUNGKAHING TITULO O PANGALAN
NG GAWAIN
Ang Papel
na Ginagampanan ng Wikang Filipino sa Mundo ng Teknolohiya. Ito ang naisip
namin na titulo para sa aming adbokasiya dahil sa aming pananaw ito ay
makakapukaw ng atensyon ng iba pang mga mag-aaral o mamamayan na interesado sa
mga ideya tungkol teknolohiya. Lalong lalo na sa panahon ngayon na kung saan
ang teknolohiya ay laganap na bilang kasangkapan sa
pakikipagkomunikasyon. Teknolohiya rin ang dahilan kung bakit napapadali ang
ibang gawain.
RASYUNAL, MITHIIN AT MGA
LAYUNIN
Ibinatay
namin ang aming paksa sa aming kurso. Kami ay mag aaral na kumukuha ng kursong
Management Technology na may kinalaman rin sa teknolohiya. Ito ang pinagkuhanan
namin ng ideya para kami ay makabuo ng isang paksa o adbokasiya na
makakatutulong upang maipaliwanag o maliwanagan sa tulong na nagagampanan ng
ating wika sa teknolohiya.
Mithiin
namin na maging instrumento ang teknolohiya upang mapalaganap ang ating
wika,hindi lamang dito sa ating bansa kundi pati na rin sa iba pa. At patuloy na mahalin at ingatan bilang sariling atin.
Layunin ng
konseptong papel na ito na lalo pang mamulat ang sambayanan, lalo na ang mga mag
aaral, sa kahalagahan ng pagpapaunlad, pananaliksik at pagpepreserba ng wika
gamit ang teknolohiya. Pati na din maging kasangkapan tungo sa
karunungan at kaunlaran.Gamit ang teknolohiya, maipapahayag natin ang ating
saloobin sa ibang tao. At sa paggamit din nito maippalaganap natin ang
Wikang Filipino, upang mahikayat ang iba na pahalagahan at mahalin ang sariling
atin.
BENEPISYO AT INAASAHANG
RESULTA
Inaasahan namin na ang teknolohiya ang siyang makapagmungkahi na
ipalaganap ang ating sariling wika. At sana ay maraming iba pang mag-aaral ang
gumamit ng teknolohiya bilang paksa nila sa gagawin nilang adbokasiya dahil sa
henerasyon ngayon ang teknolohiya ang isa na sa mga pangunahing kasangkapan ng
mga tao sa pakikipagkomunikasyon
Inaasahan din naming na maging maganda ang epekto nito sa ibang tao,hindi
lamang sa mga mag-aaral kundi pati na rin sa iba pang tao na malaki ang
impluwensiya ng teknolohiya. Gusto nila mapadali ang kanilang gawain, at gusto
din nilang pahalagahan ang Wikang Filipino at para na rin maikalat nila ang
kahalagahan nito.
Kaya
rin nating makatulong para sa pagpapaunlad ng Wikang Filipino. Ipakita at
patunayan natin sa iba na minamahal at pinapahalagahan natin an gating wika.
Kailangan lang natin magtiwala sa sarili natin, na kaya nating gawin yung mga
bagay na sa una ay inaakala natin na hindi natin kaya. Gamitin natin ang ating
talino at sariling pamamaraan kung paano natin ito magagawa sa tulong ng
teknolohiya.
Ang pagkakaroon ng wika ay nagbibigay daan sa
pagkakaisa ng mga mamamayan at nagbibigay tulong sa pag-unlad ng iba’t ibang
aspeto sa isang bansa. Ang sariling wika ay mahalaga at kinakailangan ng isang
bansa, sapagkat ito ang ginagamit sa pakikipag-ugnayan at pakikipagtalastasan
ng bawat mamamayan. Gamit ang sariling wika, maipapahayag natin ang ating
damdamin at saloobin sa ibang tao.Ito rin ang isang dahilan kung bakit may
kapayapaan at pagkakaisa sa isang bansa. Ito ay kayamanan ng isang bansa, hindi
ito matutumbasan ng ginto o salapi. Hindi rin ito mananakaw dahil ito ay
sariling atin, ang dapat lang natin gawin ay mahalin at pahalagahan ito.
Sa
panahon ng makabagong teknolohiya, ang ating wikang Filipino ay napapagitnaan
ng napakaraming wika mula sa ibang bansa, at minsa’y ang ibang wika ang
pinapahalagahan kaysa sa ating sariling wika. Sa mundo ng teknolohiya, ang mga
websites tulad ng Facebook, Twitter at Google ay maaari mo
nang magamit sa wikang Filipino, kaya huwag nang mag-alala kung hindi
makaintindi ng mga banyagang salita, gamitin na ang sariling wika. At sa
paglalahad ng mga opinyon, balita, at mga nangyari sa iyong buhay,
pwedeng-pwede mong gamitin ang wikang Filipino.
Sa panahon
ng makabagong teknolohiya kung saan mga iba’t-ibang lengwahe ang nangingibabaw,
huwag mag-alinlangan, at ipaglaban ang nakasanayang wika – ang Filipino. Kaya
nating maipagmalaki ang ating sariling wika – saan man, kailan man, at sa
napakaraming paraan. Gamitin natin ang wikang pambansa, maging ilaw man at
lakas sa tuwid na landas, o susi sa pagka-Pilipino.
MUNGKAHING TITULO O PANGALAN
NG GAWAIN
Ang Papel na Ginagampanan ng Wikang Filipino sa Mundo ng Teknolohiya. Ito ang naisip namin na titulo para sa aming adbokasiya dahil sa aming pananaw ito ay makakapukaw ng atensyon ng iba pang mga mag-aaral o mamamayan na interesado sa mga ideya tungkol teknolohiya. Lalong lalo na sa panahon ngayon na kung saan ang teknolohiya ay laganap na bilang kasangkapan sa pakikipagkomunikasyon. Teknolohiya rin ang dahilan kung bakit napapadali ang ibang gawain.
RASYUNAL, MITHIIN AT MGA
LAYUNIN
Ibinatay namin ang aming paksa sa aming kurso. Kami ay mag aaral na kumukuha ng kursong Management Technology na may kinalaman rin sa teknolohiya. Ito ang pinagkuhanan namin ng ideya para kami ay makabuo ng isang paksa o adbokasiya na makakatutulong upang maipaliwanag o maliwanagan sa tulong na nagagampanan ng ating wika sa teknolohiya.